Nakumpleto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang 214-meter na flood mitigation structure sa kahabaan ng Talavera River sa San Jose City, Nueva Ecija.
Itinayo ng ahensya ang istruktura sa Barangay Palestina gamit ang pondo mula sa 2024 national budget na nagkakahalaga ng P47.8 milyon.
Pinoprotektahan nito ang mga residente mula sa pag-apaw ng ilog at sinisigurado rin ang kaligtasan ng mga kalapit na agricultural lands mula sa flood-related damage.
Sabi ni DPWH Nueva Ecija 1st District Engineer Osias Santos, “Barangay Palestina, known for its vegetable production, faces recurring flooding due to its proximity to the Talavera River. During Super Typhoon Pepito, flooding rendered a section of the national road in the barangay passable only to heavy vehicles.”
Itinayo ang two-berm structure na may steel sheet pile foundation at concrete beam coping at concrete slope protection upang pigilan ang erosion at tiyakin ang long-term stability lalo na sa rainy season. Dagdag pa ni Santos, ang proyektong ito ay parte ng isang series ng flood control structures sa kahabaan ng Talavera River.
May inaasahang positibong epekto ang proyekto hindi lamang sa mga residente kundi pati na rin sa sektor ng agrikultura sa Barangay Palestina. Sa tulong ng flood mitigation structure, mababawasan ang pinsala sa mga pananim at imprastraktura tuwing tag-ulan.
Ayon sa DPWH, patuloy nilang ipapatupad ang iba pang flood control projects sa rehiyon upang mapabuti ang proteksyon laban sa pagbaha. Inaasahan ng mga lokal na opisyal na mas mapapabilis ang pagbangon ng mga magsasaka mula sa mga nakaraang kalamidad.