Ang Kasaysayan, Kultura at Kagandahan ng Nueva Ecija

Ang Nueva Ecija, na kilala bilang “Rice Granary of the Philippines” dahil sa malaking ani ng palay, ay isang probinsyang mayaman sa kasaysayan at kultura.

Paano kaya nabuo ang probinsyang ito, na dating isang maliit na outpost ng militar? Ano ang mga naging papel ng mga Novo Ecijano sa paghubog ng kasaysayan ng Pilipinas?

Fast Facts

Ang Nueva Ecija ay may lawak na 5,751.33 square kilometers, na ginagawang pinakamalaking probinsya sa Central Luzon. Ayon sa 2020 census, ang populasyon nito ay 2,310,134 katao na may density na 400 katao kada kilometro kwadrado.

Ang pangunahing wika ay Tagalog, na sinasalita ng 77.8% ng populasyon, at Ilocano, na sinasalita ng 19.3%. May mga iba pang wika rin tulad ng Kapampangan at Pangasinan sa ilang bahagi ng probinsya.

Ang Nueva Ecija ay may 27 munisipalidad at 5 lungsod, na nahahati sa 4 na distrito. Ang kabuuang bilang ng mga barangay sa lalawigan ay 849.

NameTypePopulationBarangays
DISTRICT 1
AliagaMunicipality70,36326
CuyapoMunicipality68,06651
GuimbaMunicipality127,65364
LicabMunicipality29,26911
NampicuanMunicipality14,47121
QuezonMunicipality41,84516
Santo DomingoMunicipality61,09224
TalaveraMunicipality132,33853
ZaragozaMunicipality53,09019
DISTRICT 2
CarranglanMunicipality42,42017
LlaneraMunicipality42,28122
LupaoMunicipality45,91724
MuñozCity84,30837
PantabanganMunicipality31,76314
RizalMunicipality70,19626
San JoseCity150,91738
TalugtugMunicipality5,23628
DISTRICT 3
BongabonMunicipality66,83928
CabanatuanCity327,32589
GabaldonMunicipality38,95816
Gen. Mamerto NatividadMunicipality44,31120
LaurMunicipality38,26317
PalayanCity, Capital45,38328
Santa RosaMunicipality75,64933
DISTRICT 4
CabiaoMunicipality85,86223
GapanCity122,96823
General TinioMunicipality55,92513
JaenMunicipality79,18927
PeñarandaMunicipality32,26910
San AntonioMunicipality83,06016
San IsidroMunicipality54,3729
San LeonardoMunicipality68,53615
Total2,310,134849

History

Nagsimula ang Nueva Ecija noong 1705 bilang isang maliit na commandancia o outpost ng militar na itinatag ni Governor Fausto Cruzat Y Gongora para protektahan ang mga misyon sa Upper Pampanga.

Ipinangalan niya itong Nueva Ecija, bilang pagkilala sa kanyang bayang sinilangan sa Ecija, Seville, Southern Spain, na parehong dinadaluyan ng mga ilog. Noong 1848, itinaas ang commandancia sa regular na probinsya, at hiniwalay sa Pampanga.

Ang teritoryo ng Nueva Ecija ay dating napakalawak, umaabot hanggang sa Pacific Ocean at kasama ang mga bayan ng Palanan, Baler, Casiguran, Infanta at Polilio. Ngunit, ang mga teritoryong ito ay kalaunang napahiwalay para mabuo ang iba pang probinsya tulad ng Aurora, Quirino, Isabela, at bahagi ng Maynila at Rizal.

Noong 1782, nagkaroon ng malaking pagbabago sa agrikultura ng Nueva Ecija dahil idineklara ni General Basco Y Vargas ang ilang lugar sa Luzon para sa malawakang produksyon ng tabako sa ilalim ng kontrol ng gobyerno.

Dahil dito, ang mga magsasaka ay napilitang magtanim ng tabako sa halip na bigas, na nagdulot ng paghihirap at pagtutol sa mga Novo Ecijano.

Unang Sigaw

Ang pang-aabuso at pang-aapi na naranasan ng mga Novo Ecijano ang nagtulak sa kanila na sumali sa rebolusyon laban sa mga Espanyol. Ilang araw matapos ang “Unang Sigaw sa Pugad Lawin,” naganap ang “Unang Sigaw sa Nueva Ecija” noong September 2, 1896, sa San Isidro.

Pinangunahan ni Gen. Mariano Llanera, ang Captain Municipal ng Cabiao, ang 3,000 katipunero sa pag-atake sa Factoria sa San Isidro. Ito rin ang unang pagkakataon na iwinagayway ang sikat na watawat ni Llanera.

Sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, naging rebel territory ang Nueva Ecija at dito nagtago si Gen. Emilio Aguinaldo. Inilipat din ang upuan ng Unang Republika ng Pilipinas sa San Isidro, kung saan ito nanatili ng higit sa limang buwan bago ito nabawi ng mga Amerikano noong Oktubre 11, 1899.

Noong June 11, 1901, itinatag ang civil government sa Nueva Ecija, at inilipat ang Provincial Capitol sa Cabanatuan. Noong 1965, sa bisa ng R.A. 4475, idineklara ang Palayan City bilang bagong kabisera ng Nueva Ecija. Noong Enero 30, 2002, inilipat ang upuan ng pamahalaan mula Cabanatuan City patungong Palayan City.

Dahil sa makasaysayang kontribusyon ng Nueva Ecija sa Himagsikang Pilipino, ito ay kabilang sa walong lalawigan na unang naghimagsik laban sa mga Espanyol, dahilan upang maisama ito sa simbolismo na isa sa mga sinag ng watawat ng Pilipinas.

Culture

Ang kultura ng Nueva Ecija ay isang timpla ng iba’t ibang impluwensya, lalo na ang Tagalog, Ilocano, at mga katutubong kultura. Naging kagaanan na pinipili ng mga karatig-probinsya ang Nueva Ecija sa paghahanap ng mas mabuting lugar sa kanilang buhay, pamilya at negosyo. Dumagsa ang mga migrante mula sa Ilocos at Pampanga. Ang kanilang mga values at ispiritwalidad ay naipapakita sa iba’t ibang tradisyon at pagdiriwang.

Ang musika ay malapit sa puso ng mga Novo Ecijano, kung saan ang brass band o moseko (musico) ay sentro ng atraksyon sa mga pagdiriwang. Si Maestro Felipe Padilla de Leon, isang National Artist in Music, ay isang Novo Ecijano na nagamit ang musika bilang instrumento para ipahayag ang kanyang mga ideolohiya at hangarin para sa bayan.

Ang mga Novo Ecijano ay kilala rin sa kanilang malapit na ugnayan sa pamilya, pagtutulungan, respeto at pasasalamat. Ang pagbabahagi ng bunga ng kanilang paggawa ay karaniwan sa mga pamilya sa komunidad.

Heroes

Maraming Novo Ecijano ang naging bayani sa kasaysayan ng Pilipinas. Kabilang dito sina General Mariano Llanera, General Manuel Tinio, at General Benito Natividad, na lumaban sa rebolusyon laban sa mga Espanyol.

Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakipagtulungan ang mga Novo Ecijano sa mga gerilya para labanan ang mga Hapones. Isang mahalagang pangyayari ang Cabanatuan Raid o ang “The Great Raid”, kung saan nailigtas ang 516 na Amerikanong POW mula sa Pangatian Concentration Camp.

Bukod sa mga bayani sa labanan, mayroon ding mga kilalang indibidwal na nag-ambag sa iba’t ibang larangan tulad nina Epifanio de los Santos, isang historyador at unang gobernador, at sina Felipe Padilla de Leon at Lázaro Francisco, na parehong Pambansang Alagad ng Sining.

Celebrations

Bawat bayan sa Nueva Ecija ay may sariling fiesta na nagpapakita ng kanilang debosyon sa mga patron saints. Isang kilalang halimbawa ay ang Taong Putik Festival sa Bibiclat, Aliaga, tuwing Feast of Saint John the Baptist kung saan nagbabalot ng putik at dahon ang mga deboto.

Ang grupo ng mga mananamplatayang Evangelical Churches sa pangunguna ng Alliance of Ministers and Ministries in Nueva Ecija (AMMNE) ay may pagdiriwang na tinaguriang “Jesus Reigns Celebration” tuwing November 30. Nagtitipon ang libo-libong mananampalata sa Freedom Park, Cabanatuan City upang pasalamatan at ipahayag ang pagliligtas ng Panginoong Jesus.

Mayroon ding mga festival tulad ng Tanduyong Festival sa San Jose City at Sibuyas Festival sa Bongabon.

Destinations

Ang Nueva Ecija ay mayaman sa natural na ganda at makasaysayang lugar. Narito ang ilan sa mga dapat puntahan:

Minalungao National Park (General Tinio): Ipinagmamalaki nito ang nagtataasang limestone walls at malalim na ilog. Perpekto ito para sa trekking at iba pang adventure activities.

Gabaldon Falls (Gabaldon): Napapalibutan ng mga luntiang halaman at malalaking bato, na perpekto para sa mga picnic at pakikipagsapalaran.

Pantabangan Dam (Pantabangan): Isang mapayapang dam na napapalibutan ng Sierra Madre Mountains. Maaari ring mag-jetskiing at fishing dito.

Binbin Falls (Carranglan): May tatlong waterfalls na napapalibutan ng virgin vegetation. Ang pagpunta rito ay isang adventure na dahil sa lokasyon nito sa gitna ng mga vegetable farms at forest areas.

Iba pang mga natural spots: Dalton Pass, General Luna Falls, Palaspas Falls, Tanawan, Mount Olivete, Jackpo Digmala River, Mount Mapait, Capintalan, Lupao Pinsal Falls, Nabao Lake, Hallel Arboretum, at Fort Magsaysay Dam.

Farm-Tourism Destinations: PHILRICE, BRAR-NFFTRC, BPRE, PCC, CLSU, at FVSC. Mga agricultural research centers kung saan maaaring matuto tungkol sa agrikultura.

Cultural Destinations: Virgen Divina Pastora National Shrine sa Gapan City, Sideco House sa San Isidro, at Museo Novo Ecijano.

Food Trip

Ang pagkain sa Nueva Ecija ay sari-sari, depende sa lokasyon ng lugar. Sa hilagang-kanluran, ang mga seafood at gulay na may maraming asin ay karaniwan dahil malapit ito sa Pangasinan.

Sa hilagang-silangan, ang mga highland crops ay pinahahalagahan. Sa sentro at timog, ang pagkain ay diverse dahil sa iba’t ibang sources ng ingredients. Narito ang ilan na magugustuhan mo:

Batutay Longganisa – Matamis at juicy na longganisa na kilala sa buong lalawigan. Ang Cabanatuan longganisa ay magugustuhan rin sa maalat-alat na bersyon nito.

Bibingka – Malambot na rice cake na gawa sa rice flour, coconut milk, at itlog, madalas may itlog na pula sa ibabaw. Karaniwang niluluto sa clay pot na may dahon ng saging.

Puto Bumbong – Paboritong kakanin tuwing Pasko, gawa sa galapong na pinasingaw sa kawayan at may toppings na butter, muscovado sugar, at grated coconut.

Biko – Matamis na rice cake na may coconut milk at brown sugar, karaniwang may latik sa ibabaw.

Palitaw – Maliliit na bilog na rice cakes na pinakuluan hanggang lumutang, saka pinahiran ng grated coconut, sesame seeds, at sugar.

Ginataang Bilo-Bilo – Matamis na sabaw na may glutinous rice balls, kamote, saging, at langka, niluto sa coconut milk.

Tilapia Ice Cream – Isang natatanging dessert mula sa Central Luzon State University (CLSU) na may tilapia bilang pangunahing sangkap.

Puno’s Ice Cream Tanyag na lokal na ice cream brand, may natatanging flavors tulad ng cheese casoy macapuno, langka cheese casoy, at ube macapuno.

Gatas Kalabaw Sweets – Mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw tulad ng pastillas, leche flan, at kesong puti.

Pinapaitang Kambing with alibangbang – ginagamitan ng dahon ng alibangbang bilang pampaasim sa halip na purong apdo na malinamnam na niluluto ng mga ng Ilocano.

Pinakbet/ Pakbet – Halo-halong gulay gaya ng ampalaya, talong, kalabasa, okra, at sitaw, na may kasamang bagoong alamang or bagoong isda.

Pinais na Hipon – Hipon na niluto sa gata at ibinalot sa dahon ng saging, may malinamnam at aromatic na lasa.

Your Next Trip

Sa likod ng mga makasaysayang pangyayari at likas na yaman, may mga ordinaryong indibidwal na gumagawa ng ekstraordinaryong bagay. Ang kanilang mga kuwento ay nagbibigay inspirasyon sa mga Novo Ecijano at sa lahat ng mga Pilipino.

Ang Nueva Ecija ay hindi lamang isang lugar na mayaman sa kasaysayan, at agrikultura. Ito rin ay tahanan ng mga bayani, kultura, at tradisyon. Dito mo matutunghayan ang ganda ng kalikasan at matitikman ang iba’t ibang mga pagkain.

Kaya, ano pang hinihintay mo? Planuhin na ang iyong pagbisita at tuklasin ang kagandahan ng Nueva Ecija. Tara na!

Google Map

(This article is a work in progress. Feel free to share your input and suggestions at nuevaecija.net@gmail.com for future updates. Thank you.)

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Mariano Llanera: Unang Sigaw ng Rebolusyon

Mariano Llanera, a Filipino revolutionary general, led the Cry of Nueva Ecija in 1896, fighting against the Spanish and later Americans.

Nakumpleto ang P47.8M Flood Barrier Project sa San Jose City

The DPWH completed a 214-meter flood barrier, a P47.8-million structure protects along the Talavera River in Nueva Ecija.

Heber Bartolome Icon ng Pinoy Folk Rock, isang Novo Ecijano

Heber Bartolome, a Filipino folk-rock icon, known for "Tayo'y Mga Pinoy," blended music with activism and art. His songs tackled social issues and promoted Pinoy pride. #nuevaecija

For Composer Drew Silva, Music is all About Embracing Life

Find people with high expectations and a low tolerance...