Heber Bartolome Icon ng Pinoy Folk Rock, isang Novo Ecijano

Pinanganak si Heber Gonzalez Bartolome noong ika-4 ng Nobyembre, 1948 sa Cabanatuan, Nueva Ecija. Nagmana siya ng hilig sa musika mula sa kanyang mga magulang: si Deogracias Bartolome, isang pastor na gumagawa ng biyolin at gitara, at si Angelina Gonzalez, isang mang-aawit sa zarzuela.

Nag-aral si Bartolome sa University of the Philippines kung saan kumuha siya ng Fine Arts degree noong 1973 at master’s degree sa Philippine Literature noong 1975.

Naging bahagi siya ng ROTC Band at ng UP Diliman Concert Chorus, kung saan tumugtog siya ng french horn. Itinatag din niya ang UP Astrological Society at naging editor ng Filipino section ng Philippine Collegian.

Bago siya naging propesor ng Filipino Literature sa De La Salle University mula 1981 hanggang 1984, nagsimula siyang tumugtog sa mga folk houses noong huling bahagi ng dekada ’60.

Nabuo niya ang protest band na Banyuhay ni Heber kasama ang kanyang mga kapatid na sina Jesse at Levi noong panahon ng Martial Law, at ang trademark sound ng banda ay ang kubing, isang katutubong instrumentong pangmusika sa Pilipinas.

Nakilala ang kanyang mga awitin dahil sa paglalarawan nito sa mga isyung panlipunan, kahirapan, karapatan ng kababaihan, at pambansang identidad.

Naging tanyag ang kanyang mga kantang “Tayo’y Mga Pinoy,” “Nena,” “Dukha,” “Pasahero,” at “Almusal”. Sumulat din siya ng musika para sa Ibong Adarna ng Bulwagang Gantimpala noong 1989.

Nagkaroon siya ng mga art exhibit hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa Australia, Germany, Brussels, Austria, Spain, at China.

Maliban sa pagiging musikero at pintor, naging aktibo rin siya sa paglaban para sa karapatan ng mga kompositor sa Pilipinas at naging presidente ng FILSCAP noong 1991.

“Wala akong kantang hindi hango sa tunay na karanasan,” wika ni Bartolome, na nagpapahiwatig na ang kanyang mga awitin ay nagmula sa kanyang mga personal na karanasan.

Ayon kay Jesse Bartolome, kapatid ni Heber, “He is a pillar of Pinoy rock. His works have social relevance. But he also has love songs.”

Sabi naman ni National Artist for Music Ryan Cayabyab, “I Idolized [Heber] for the clarity of his perspective on what a real Pinoy is, and what needs to be done to serve the country.”.

Nagkaroon ng limang taong relasyon si Bartolome kay Maita Gomez, isang beauty queen na naging guerrilla cadre. Ayon kay Bartolome, “She left the mountains to be with me; I became an instrument for her return to a normal life”.

Sinabi rin niya na “There was a tall, beautiful woman,” he recalls. “I didn’t know it was Maita. I thought to myself, ‘That’s one good-looking NPA.’”. Naghiwalay sila noong 1984 at may dalawa silang anak, sina Antares at Kris.

Namatay si Bartolome noong ika-15 ng Nobyembre, 2021, sa edad na 73, dahil sa pagbaba ng kanyang blood pressure matapos ang matagal na sakit sa prostate. Inalala siya bilang isang icon ng musika at aktibismo sa Pilipinas.

Sa kanyang panayam, sinabi ni Bartolome, “I’m writing a book about us, what I remember…historical material, personal writings. History has to be about what really happened.”.

Share post:

Subscribe

spot_imgspot_img

Popular

More like this
Related

Mariano Llanera: Unang Sigaw ng Rebolusyon

Mariano Llanera, a Filipino revolutionary general, led the Cry of Nueva Ecija in 1896, fighting against the Spanish and later Americans.

Nakumpleto ang P47.8M Flood Barrier Project sa San Jose City

The DPWH completed a 214-meter flood barrier, a P47.8-million structure protects along the Talavera River in Nueva Ecija.

For Composer Drew Silva, Music is all About Embracing Life

Find people with high expectations and a low tolerance...

Pixar Brings it’s Animated Movies to Life with Studio Music

Find people with high expectations and a low tolerance...